Magluto Tayo!

Ginisang Tempeh

Ang tempeh ay isang tradisyunal na pagkain na galing sa Indonesia na gawa sa soybeans o kaya ay garbanzo. Ito ay isang uri ng fermented na pagkaing gawa sa Rhizopus oligosporus. Mayaman sa protina, ginagawa itong pamalit sa karne. Maraming paraan para lutuin ito. Isa rito ang simpleng paggisa.

Mga Sangkap

Dalawang hain ng tempeh (300 gramo)

Kalahating kutsarita ng durog na mani (puwedeng almond para mas sosyal)

2 kutsara ng lemon

3 kutsara ng toyo

Dalawang piraso ng bawang, ginadgad

2 kutsarita ng sesame oil (puwedeng palitan ng vegetable oil o coconut oil)

Mga Hakbang

1. Paghaluin ang lemon, sesame oil, bawang.

2. I-marinate dito ang tempeh.

3. Painitin ang mantika ng bahagya, huwag itong hayaang masunog.

4. Igisa ang tempeh sa mantika hanggang magkulay-lupa.

5. Ihain, maaaring i-pares sa kamatis.

<~~