Radekal na balot: ang aking pagsilip sa byak ng kakatwa nitong kayarean, at mga eba pang pangyayare

Claire Panaclong-Weiss

----

Naririnig nyo ba

ang tindero

ng balot?

Nasa labas ng kalsada

ang p*t*ngin*ng

tindero

ng balot!

-mula sa Gost Payter, pt.2

---

Onang araw ng GCQ. Geneseng aku ng nakakabolahaw na telean ng mga batang naglalaru sa labas. Tara na, tara na, pontahan na naten ang pono ng lompia! sabe ng esa sa kanela. Tawanan. Naglalaro sela ng isang baryasyun ng ‘bang-sak.’ Ang taya ay tinawag nilang Kubid. Eto ang pomotol sa aking malenamnam na sanang seyesta.

Maitutureng ko sanang masama ang akeng geseng, pero may mauleneg aku sa malayo, alolong ng kong anu. Papalobog na ang araw. Tao. Nagbibinta ng kung anu. Uu, ditu ko onang nareneg ang tawag ng magbabalot na magbabago sa akeng pananaw sa mondo.

Ang kanyang tawag ay may kakaebang melodya. Agad akung komoha ng bulpin para isolat ang naholeng mga nuta.

Panimulang Saliksik

Elang lenggo rin ang magdaraan bago ko toloyong mapagpasyahan na magsaleksek tongkol sa akeng nareneg na tawag. Marame-rame na ren akung mga kaibigang nagsabe sa aken na sela mismu ay nareneg na ang tawag na itu. Marame-rame na rin ang talagang nakabele ng kanyang prodokto. Dahel hende ku alam kung saan hahagelapen ang natorang magbabalot nagpasya akung gugulen ang mga bowan ng lockdown sa pagsasaleksek.

Belang maboteng mag-aaaral, senemolan ko ang pagsasaliksik sa enternet. May elang forum na ang naelaan sa pagpapaletan ng koro-koro ukol sa magbabalot na itu. Ayon sa elan, sya ay maareng mamataan sa mga barangay sa bawndari ng Kisun City at Bolocan at sa Lagona. Mayruun deng nagsabeng siya’y napapadaan sa Antepulu, Tiaong (Quezon Province), sa Naga, mageng sa Sibu, Sabang (Palawan), Cagayan de Uru City, Giniral Santos City, Malaybalay, atbp.. Penagtataka ko lamang bakit wala ne esang nagsabeng seya’y namataan sa Davao City na esa sa mga tinuturing na malalakeng lungsod sa bansa.

Esa sa mga penakamalakeng tanung sa akeng pagsasaleksek ay kong ang magbabalot na itu ay esang tau lamang o benoboo ng marameng miyembro. Karamehan ng mga nagsabeng nakabele ng balot mola sa kanya ay magkakaparihu ang ibenebegay na pagsasalarawan: may kaleetan, may soot na makapal na balabal. Hende eto nagsasaleta kaya’t hende malinaw kung siya ba ay lalaki or babae or elgebete.

May elang nagsasabing enelalagay ng magbabalot ang kanyang mga panenda sa esang belugáng tampepe na maareng gawa sa pinatoyong dahon ng water lele. May elan naman na nagsasabeng may dala syang tupperware kong saan nakalagak ang mga balot.

Permutasyon ng putaheng infernal

Dahel lobhang magkakasalongat ang mga ditalyi habang masyadu namang magkakaparihu ang iba, menarapat kung palawaken ang akeng pagsasaleksek.. Senemulan ku itu sa kasaysayan ng balot na etenotorong nagmola sa Tsayna.1 Marame ren akung nalaman tungkol sa eba’t-ebang permotasyon ng potahe na itu, partekular na sa Timug-Silangang Asya.

Tolad ng alam na ng karamehan, naboboo ang balot mula sa etlog ng etek na Anas platyrhynchus. Henahayaan itung bomoo ng beleg o embryo sa loob ng 14-18 na araw.

Ngunit maleet na bahage lamang ang uras or duration sa paggawa ng balot. Lobhang masilan ang beleg sa loob ng etlog, na kahet ang penakamarahang pagbabagu ng timpiratura, halembawa, ay maaareng apiktuhan ang melyon-melyong mikroskopikong prosisung nagaganap sa loob ng etlog. Tolad ng boto ng halaman, ang mga prusisu ng pagbabago sa loob ng esang itlog ay hende linear at temporal. Lubha itung naeeba sa mga mammal kung saan may teyak na tagal ang pag-onlad mola pagponla sa matres hanggang sa pagselang.

Ang bawat balot ay may sareleng takbo ng uras na hende lobos na nakalapat sa statekong uras ng tao. Sa loob ng bawat balot, nagsasalikop na mga hibla ng mga bertuwal na pusibilidad na may kanya-kanyang landas na maareng maesakatoparan at mabansot, hanggang domolo, na parang melagro, sa isang nelalang (sesew) na maituturing na may teyak na hoges at anyo - sa madaleng sabe ay tapós, boo, at walang nang kahet anong bahed ng nakaraan netong batbat ng potensyal- ang matematikal nitung kabalegtaran.

Sa blobjectivist, maaare nating pangalanan ang balot belang isang pinaghihinalaang-bagay-na-hindi-tiyak (putative vague entity) o iyong mga bagay na “malabo sa usapin ng hangganan at kayarian.” 2 Sa dila ni Meillasoux, ang balot ay may angking “llabes-na-salegotsot” (“hyper-chaos”): “walang rason opang ang anoman ay manateleng kung anu ito; lahat ay maaareng mageng hindi kung ano ito/ maging anoman na hende ito sa kasalukuyan, nang walang dahelan.” 3

Paano ko nasabe? Una: uu, bagama’t ang sesew ay maaare pang lomake at maging etek, ang landas ng pagbabago nitu mola sesew patungong etek ay nakaokit na sa kanyang DNA (ganonpaman, may elang eksepsiyun ditu tolad ng mga sesew na nakaranas ng mutasyon, saket, o anomang pagbabagu sa kudigung nakasulat sa DNA). Sa kabelang banda, ang etlog bilang sesedlan ng posebeledad ay hende pa lobos na nakatongtong sa dalampasegan ng DNA. Relatebong malaya pa itung lomolotang-lotang sa dagat ng panahon at ‘pagegeng.’ Alam itu ng lahat ng mga penakabehasang mga magbabalot, at heget pa reto, dahel ang magbabalot ay hende tolad ng mga breeder at livestock farmer na ang negosyu ay magpasoso ng buhay. Ang tereturyong genagalawan ng seneng ng pagbabalot ay nasa laylayan ng bohay at sa pagketel ditu bago tuluyang ‘mageng.’

May kanya-kanyang diskarti ang bawat gomagawa ng balot sa kung paanu nela penaglalaroan ang bawat salek sa bawat yogto ng enkubasyon ng balot. Dahel den ditu kaya’t may eba’t-eba ring ore ng balot.4 Alam na ng karamihan ang balot sa puti, mamatong, penoy, at iba pa (ang hột vịt lộn mula sa Byetnam, halembawa, ay karanewang mas matanda sa mga balot sa Pilipinas; 21 araw ang karanewang ginogogol bagu itu ituring na hosto na para elako). Sa homeget-kumulang tatlung araw na pagkaka-iba nito sa karaniwang balut na genagawa sa Pelepenas, henahayaan ng mga Byetnamis na maabot ng ilang ‘hibla’ ng posebeledad ang kanilang ‘luhikal’ na dolo opang sa pagkaen netu ay makoha rin nila ang enerhiyang toloyan nang na-kristalisa o “nabengwet” mola sa walang tegel na daloy ng mga posebeledad/ birtuwalidad.

Ngunet maleban sa mga baryasyong itu, mayroong libu-libo pang mutasyon na maareng maganap sa luub ng esang itlog, at karamehan ditu ay walang pangalan.

Heograpiya

Esang araw ay nakarateng sa aken na ang mga balot na benebenta ng magbabalot na henahanap ko ay may kakaebang lasa.Ngunit heget na kahanga-hanga raw ang itsura ng kanyang mga lekha. Habang ang karanewang balot ay may apat na bahagi (sesew, delaw, sabaw, at ang mategas na poteng bahagi na tinatawag ng mga Tagalog na bato), tila isang bongkos ng urganikung halimaw ang balot ng magbabalot na itu. Hewa-hewalay ang bahagi ng katawan ng sisiw: nasa tageleran ang esang mata, ang tuka’y nakausle mola sa esang paa, ang delaw ay nasa pagetan ng mga laman-luub na tela mga etem na hebla ng meswa sa malaput na sabaw, at ang bato ay nasa penakagetna, pirpikto ang pagkabelog.

Kung hobdan, ang balot na eto ay tela esang nakakakelabot na monteng planita na maseselayan lamang sa panagenep. Ang naghalung delaw at laman-luub ay mga kontenente; ang sabaw ay mga karagatan at lawa; ang bato ang bakal na kaebotoran nitung kahendek-hendek na daegdeg kong saan nagmomola ang mga polso ng grabedad; sa esang madelem na solok ay esang matang teteteg sa sinomang mangangahas na itu’y lamunen.

Alengawngaw ng lompia

Matapos ang elang bowan ng pagsasaleksek, nawala ren ang akeng enteres sa magbabalot. Elang taon den ang lomepas. Milyon na ang nangamatay sa pandimya dahel matapus madeskobre ang bakuna para sa bayrus, agad itung nelabas sa mirkado sa napakamahal na prisyu. Nagbalik sa ‘nurmal’ ang galawan sa mga mayayamang bansa kung saan mora o lebre ang atensyong medikal. Sa Pinas, wala nang pake ang gubyernu, dahil meron naman nang bakona.

Ngayon nagtatrabahu aku sa esang POGO bilang copywriter. Esang gabi, habang papaowe mula sa trabaho, nagsekep begla ang akeng paghenga at aku’y nakaramdan ng mga monteng pagkolo sa aking poson. Elang araw na ren akung wala akung panlasa. Senyales itu na nakoha ko na ang penabagung strain ng bayrus. “Shit,” sabi ko sa akeng sarele, habang nagmamadaleng naglakad at penepelepet ang sarele, nag-eesep ng kung ano-ano opang maelayu ang esep sa tawag ng kalekasan.

Begla begla, nareneg ku mole ang kanyang kakaebang tawag, ang tawag ng mahewagang magbabalot, ang penaka-abangard, sa akeng tengen, na magbabalot sa sinompang bayan na eto.

Napaekda aku at parang tangang genawang huges kopa ang kamay, tapos nelagay sa taynga. Ba-lot! Ba-ba-ba-baaa-lo-lo-llllo-oo-ot! Ot! Ot! Bal-bal-lot! Bal-bal! Lot-lot! Ot-bal! Ot-bal! OTBAL!

Napakalake ng pinagbagu ng kanyang tawag. Naruon pa rin ang kakaebang melodeya, ngonet may paglalaru na, may galet, dahas, hende lang sa selabikasyon kunde mageng sa pagbegkas. May pagtele, may pagdahak na parang pagmumumug ng mga morpema, may pagsegaw na parang homehenge ng saklulu. Nasa ebang dimensyon na ang pagtawag ng magbabalot, tila awet ng balyina sa karagaratan na mga serena’t dugong lang ang makakaentende. Nuun ku ren napagtanto at lobos na naonawaan - halang akung sinosobok itung sisirin at pakinggan at ngayu’y pasenghap-senghap na lang habang benabayo ng gaheganting mga alun - magkaeba ang ameng mga daegdeg.

Naghahabol ng henenga, tomakbo aku papunta sa isang eskeneta kong saan ku nahihinohang nanggaleing ang kanyang tawag. Madelem, ngunit maraming mga matang nakatingin. Nakaramdam aku ng esang matules na bagay sa akeng tagelerain - hintotoro - “bang!” Bagu aku lumengon para malaman kung kaninu itu, may nareneg akung boses mula sa di kalayuan, nagsasabeng, “Tara na, tara na, pontahan na naten ang pono ng lompia!”

1 Magat, Margaret. (2002). Balut: "Fertilized Duck Eggs and Their Role in Filipino Culture". Western Folklore. 61. 63-96. 10.2307/1500289.

2 Horgan, Terry and Matjaz Potrc. (2000). “Blobjectivism and Indirect Correspondence,” Facta Philosophica 2:249-270 (2000).

3 Meillasoux, Quentin. (2006). Après la finitude : Essai sur la nécessité de la contingence, Paris, Seui.

4 Tinatawag din itong huózhūzi o buhay na tinapay sa wikang Tsino.

<~~