Taklesan

Love Advice with Doctor Wilma

Lorraine, 28. LDR kami ng karelasyon ko. Siyempre hassle ngayon dahil sa COVID. Nagtatawagan kami halos araw-araw, pero eventually, tumigil siya sa pagtawag. Nag-effort din ako na tawagan siya, pero busy daw siya. Eventually, tinanong ko siya kung gusto na ba niya makipag-break. Ayaw naman niya. Pero ngayon halos di na kami nag-uusap, at parang wala siyang gana kapag tinatawagan ko siya. Tapos ayaw naman niya magbreak. Ano na?

Kung gusto mo pang ituloy ang relasyon niyo, kailangan mo siyang tapatin. Mag-usap kayo nang masinsinan, dahil usapin na ito ng commitment. Natural lang na manamlay ang relasyon dahil sa LDR, kaya dapat doble ang effort ng communication. Kung walang effort from both parts, ibig sabihin kulang sa commitment. Mahalaga ang commitment sa relasyon. Paano na yan kung mag-aasawa kayo, pag may anak na kayo? Hindi na lang niya gagawin ang commitment niya dahil ‘wala siya sa mood’? Hindi dapat ganon. Kapag hindi pa rin siya nagbago after the talk, dump him.

Robert, 21. Magandang araw, ako po si Robert. Ang problema ko po ay sobrang lakas ng sex drive ko. May karelasyon po ako, at tingin ko po ay masaya naman siya. Kaso ako po ay palaging nabibitin, hindi ko mapigilang maglandi. Yes, nagcheat na po ako several times. Mahal ko po ang boyfriend ko pero I want to be more free in sexual terms. Na-open ko na po ito sa kanya pero ayaw niya. Is it time to break it up?

Oo Robert, it’s time to move on. Normal lang na malakas ang sex drive mo lalo sa ganyang edad. Pero ibang usapan na yan kapag may karelasyon ka na hindi agree na gusto mong gawin. Break it up, maghanap ka ng karelasyon na payag sa gusto mo. Stay protected.

Ella, 24. May BF ako, 8 months na kami. Lately, mas nagsheshare na kami sa isa’t-isa. Tahimik siyang tao, medyo mahiyain, hindi rin siya masyadong nagso-social media. Mabait siya. One day, nag-usap kami about politics. Nagulat ako na ok lang daw sa kaniya na hindi na renew ang franchise ng ABS-CBN dahil hindi daw nila tinuturing ng maayos ang employees nila. At oligarchs daw sila. Hindi siya nagpopost ng kahit anong political, pero eventually narealize ko na DDS siya. Binoto niya si Duterte, at suportado niya lahat ng sinasabi ni President. Tingin ko malaking factor na Cebuano siya, nakakarelate siya sa anti-Oligarch anti-Manila image pa-macho anti-everything ni Diggy. Ate Mars, anong gagawin ko? Hindi ako agree sa extra-judicial killings, sa pagpatay sa democracy in the name of false anti-oligarch bullshit, kumukulo dugo ko tuwing nagsasalita si Duterte, lalo na nung tinakot niya mga front-liners. Pero mahal ko boyfriend ko. What to do?

First step: usap kayo. Alamin mo kung saan siya nanggagaling, bakit ganun siya mag-isip. Hindi natin dapat iniisip na ang mga DDS ay mga bobong troll lamang. Karamihan sa kanila ay binoto si Duterte dahil sawa na pekeng demokrasya ng mga Aquino. Umasa ang karamihan sa kanila sa mga ridiculous na mga pangako ni Duterte. Hanggang ngayon, mayroon pa ring mga taong katulad ng boyfriend mo. Pero paunti na sila ng paunti. At naka-life support na lang ang tiwala ng mga tao kay Diggy, via his bayarang trolls. Unti-unti na siyang na-eexpose kung ano talaga siya. Ngayon, i-contextualize mo ang mga pananaw niya (first step iyang pagtumbok mo na tubong Cebu siya at maaring naging ekspresyon ng frustration niya sa matagal na kasaysayan ng Manila-centered politics ang paghanga niya kay Diggy). Then, calmly tell your side. Na mali pumatay ng mga inosente, farmers, activists. Na hindi na-solve ang drug problem, pinatay lang yung mga small-time na mahihirap. Na kahit anong posturang macho niya, bahag ang buntot niya sa China. Na walang kuwenta ang pagresponde ng gobyerno sa pandemya, nagfocus sa pananakot at pananakit sa mga kritiko sa halip na mga komprehensibong solusyong medikal. Na napapahiya siya ngayon sa buong mundo dahil hindi niya maihian o matokhang ang COVID at pag-ihi at pagpatay lang ang solusyong alam niya sa lahat ng problema ng lipunan. Huwag mong madaliin. Huwag mong ituring na debate ang pag-uusap. Dahan-dahanin mo, but assert your principles, hanggang ma-gets niya he should either try to understand you or you should rather call it quits. If none of these works, maraming ibang lalaki diyan, frend.

<~~