tulang futurista ni Jubert Cabrezos
KRANG! KRANG!
Tugugugugugugugugugugugugug
Minsang sinubukan ng tao
na kalabanin nang harap-harapan
ang malamig na bakal
at makalyong goma ng makina.
Hindi na muli naulit ang
paghaharap na iyon.
TS!
Krag krag krag krag krag krag krag
Nakainom ang lalaki
nang kanyang paandarin ang motorsiklo
sa maluwang na kalsada.
KRANG! KRANG!
D U N G !
Ang 50 kilometros kada oras
ay naging 65 kilometros
hanggang sa naging 80 kilometros.
DUNG!
DUWAAAAANNNGGG!
Sa pagliko ng motorsiklo’y
limang kilometros lang ang nabawas
nang bulagin siya ng maliwanag na mga mata
ng 10 wheeler na trak.
Nang! Nang!
BAG!
Tumugtog ang pang-siyam na simonya
nang yakapin ng laman at buto
ang malamig na bakal
at mainit na goma.
Nawasak ang bungo na parang pakwan
at tumilansik ang pulang dugo
sa maalikabok na daan.
Wisik!
Tang. Tang. Tang.
Weewoo-weewoo!